CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, October 8, 2008

MAINAM'S GROUP

Unibersidad ng Pilipinas

Honor and Excellence






*Name: Graffer Carl D. Lentejas
*Waray-waray name: Balud
*Birthdate: Oct. 7, 1990
*Hobbies: fond of music
*Address: 124 fatima St. V&G Phs4 Blk10
*Course: BASS Economics
*Motto: "The true happiness in the world is giving happiness to others"
*What is history for you?: History is relevant subject because it teaches the students for having the sense of nationalism as well as patriotism for their country.

*Name: Katrina A. Caminade
*Waray-waray name: Bata
*Birth date: May 27, 1992
*Hobbies: playing table tennis and playing piano
*Address: 103 T. Caludio st. Tacloban City
*Course: BS Accountancy
*Motto: "Simplicity is greatness"


*Name: Melvin S. Maderazo
*Waray-waray name: Makasikasi
*Birthdate: April 13, 1991
*Hobbies: collecting books of Harry Potter and Lord of the Ring
*Address: 110 Utap Tacloban City
*Course: BASS PolSci
*Motto: "Aim high and hit the mark"
*What is history for you?: well history for me is a subject that deals with the opening of person's mind about the past and make this as a measure of doing something change in the future.

*Name: Shierly Coquilla Ba-ad
*Birthdate: FEb. 7, 1992
*Hobbies: reading and writing poem
*Address: Ayahag st. So. Leyte
*Course: BASS Economics
*Motto: "If others can do, why can't I?"
*What is history for you?: History is the mirror of my past...It reflects the genuine events and characteristics of me as a Filipino.

*Name: Mae Gladys P. Zacarias
*Birthdate: July 15,1991
*Hobbies: drawing
*Address: Dulag Leyte
*Course: BASS Psychology
*Ambition: to have a better life in the future
*Motto: "The best is yet to be"
*What is history for you?: History is one of the most influencing factors in our lives.

*Name: Granney Redona Varona
*Waray-waray name: Kinabuhi
*Birthdate: Aug. 26, 1992
*Hobbies: reading pocketbooks and playing
*Motto: "A little knowledge makes man conceited , a lot makes him humble"
*What is history for you?: Link to the present.

*Name: Ruzzel D. Trota
*Birthdate: Dec. 14, 1990
*Hobbies: Watching TV, reading Almanac, candy magazine and Gospel comics
*Address: Batug Jaro Leyte
*Course: BASS Economics
*Ambition: To visit all historical places here in the Philippines
*Motto: "Dont let your emotions be ahead of you"
*What is history for you?: History is looking back at the past that which enables every races to understand better their roots and helps to establish nationalism and patriotism. Studying history is living then with the past.

*Name: Kenken Q. Ligutan
*Birthdate: Sept. 2, 1991
*Hobbies: playing computer and basketball, drawing
*Address: Arado Burauen Leyte
*Course: BS accountancy
*Motto: "Continue burning the blazing desire of winning"
*What is history for you?: His-story about everything. Knowing him on the information that is still existing.

*Name: Ian Rex M. Visto
*Waray-waray name: Mahina
*Birthdate: Aug. 24, 1991
*Hobbies: Watching TV and reading books
*Address: V&G Subdv. Tacloban City
*Ambition: to be fulfilled in life
*Motto: "Don't give up, try harder"
*What is history for you?: History connects the past with the present.

Pagbabalik tanaw sa ugat ng Leyte Landing Memorial

Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Hapon ay nagpalawak ng kanilang teritoryo sa Silangang Asya na nagsimula sa paglusob sa Manchuria at nagpatuloy patungong China. Upang ihinto ang agresyon at ipwersa ang pag-alis ng mga Hapon sa Manchuria at China, ang United States ay gumawa ng mga hakbang upang maparalisa ang pang-ekonomiyang koneksyon ng bansang Hapon sa Asya. Sa hinaharapang pagkukulang ng mga kagamitan at hilaw na materyales, nagdesisyon ang mga Hapon na lusubin ang United States at British forces sa Asya para makuha nila ang mga yaman sa Timog Silangang Asya.

Ang Pilipinas ay isang mahalagang mapagkukunang yaman ng mga Hapon at ito rin ang nagsisilbing koneksyon sa iba pang bansang nasakop ng Hapon sa Timog Silangang Asya, kaya ang mapanatili ito sa kanilang sakop ay mahalaga. Sa mga Amerikano, ang pagpatalsik sa mga Hapon ay naging priyoridad upang maputol ang koneksyon ng mga Hapon sa China at sa Pasipiko. Ito rin ay isang personal na bagay para kay MacArthur na dalawang taong nakalipas ay umalis sa Pilipinas na may ambisyong bumalik at palayain ito sa lalong madaling panahon.

Ang Battle of Leyte noong Pacific campaign sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pagsakop at pagsalakay ng pwersa ng mga Amerikano, Australyano at ng mga Gerelyang Pilipino na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur sa Leyte,Philippines at nakipagdigmaan laban sa mga sundalo ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. . Dahil sa digmaan naitakda ang Kampanya ng Pilipinas para sa ma-ibalik at palayain ang Pilipinas at para matapos ang magtatatlong taong pananatili ng Hapon sa pilipinas. Ang Battle of Leyte Gulf ay ang pinakamalaking digmaang pandagat sa makabagong kasaysayan. Ang digmaan ng mga kaanib pwersa at ng Imperyo ng Hapon ay naganap sa Pacific Theater of World War II, na nasa karagatan ng Pilipinas. Sinubukan ng mga Hapon na wasakin o pabagsakin ang mga Kaalyadong pwersa na naka-estasyon sa Leyte pagkatapos ng matagumpay na pananakop ng mga Kaalyadong pwersa sa Battle of Leyte . Ngunit, ang mga Kaalyadong pwersa ay nagwagi ay tinalo nila ang malakas na pwersa ng Imperyo ng Hapon. Ang digmaan iyon ay ang huli sa isa sa malaking digmaang pandagat sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Leyte Landing Memorial sa Red Beach , Palo, ay ang lugar na kung saan dumaong ang pwersa ng mga Amerikano na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur.



_____________________________________________________________________

e. x. c. l. u. s. i. b. o.



Panoorin po ninyo ang inihandang video presentation ng aming grupo. Sana po ay maaliw kayo!




Sa pook ng Palo, Leyte, nagbalik sa Pilipinas si Heneral Douglas Macarthur noong ika-20 ng Oktubre, Isang libo siyam na raan apat na pu't apat at personal na nanguna sa mabilisang pagtataboy sa Hukbong Hapones na nasa Pilipinas. Ang Pangulong Sergio Osmena at isang kagawad ng NAG DESTI Y ERONG pamahalaan ay dumating kasami ni Heneral Douglas Macarthur at kumilos para sa muling pagtatag, pagpapanumbalik at pangangasiwa sa Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.




.mga larawan.

Wednesday, October 1, 2008

Gen. Douglas MacArthur

Talking of Gen. McArthur, he has this monument in Palo Leyte, where he first landed with his troops in the Philippines on October 20, 1944. McArthur Park (where this monument is located) is just a few minutes drive from Tacloban, where many American and Japanese visitors come to have their pictures taken. The imposing monument used to be made of concrete but was destroyed during the Marcos regime. This was replaced by bronze statues commissioned by Imelda Marcos and renamed Imelda Park. Don't know who the artist was. After Marcos was deposed from power, every street and parks in Leyte that were named after them were named back to their original names. Thus Imelda Park became McArthur Park again. Anniversaries of the Leyte Landing are held yearly.

Sunday, September 14, 2008

Rizal at Bonifacio:





Limitado lamang para sa isa ang espasyo ng pedestal na maaring pagluklukan para sa isang natatanging pambansang bayani na ngayon ay okupado ni Jose Rizal. Sa kabila nito, ang kaangkupan ni Rizal sa pangingibabaw sa pantheon ng kabayanihan ay matagal ng panahon na binabatikos ng mga taong may higit na pagpapahalaga sa bayaning si Andres Bonifacio.


Ang tunggalian ng mga mga maka-Rizal at maka Bonifacio ay hindi lamang nakapaloob sa kahalagahan ng nagawa nila para sa ating bayan kundi higit sa lahat ay ang kaangkupan ng dinadalang pilosopiya at reseta ng bawat isa bilang lunas na aksiyon sa mga sakit ng ating lipunan. Sa anumang pagsusuri ng buhay ng dalawang bayani ay malimit na ipakita ang kanilang pagkakaiba at paglalayo, ngunit sa isang malalimang pagsusuri ng kanilang buhay ay makikita ang napakaraming pagwawangis na kinulayan ng matingkad na paglilihis.


Kapwa sila isinilang sa unang hati ng dekada 60 ng nakalipas na siglo, nabuhay at nakisalamuha sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya. Nagsagawa sila ng epektibong aksiyon upang ituwid ang tiwaling lipunang kanilang kinamulatan at sa dakong huli ang kanilang nagawa, ang naghatid sa dayuhang pamahalaan sa dapithapon ng kolonyalismo. Isinilang man sila sa iisang panahon ngunit pinag-ibayo naman sila ng pagkakataon. Isinilang si Rizal sa isang bahay na bato sa lalawigan, nagmula sa pangkat ng gitnang uri na noon ay nagsisimulang maging asertibo sa kanilang paghiling ng kapantayan na makilahok sa bumibilis na gulong ng kalakalan. Lumaki si Rizal sa pagkalinga ng kaniyang mga magulang (na naunahan pa niya sa kamatayan) at mga nakakatandang kapatid, partikular na dito si Paciano, na nagsilbing anino sa likuran ng bawat mapagpasiyang hakbang ni Rizal. Taliwas si Bonifacio, isinilang siya sa kalunsuran sa isang tipikal na bahay kubo sa maralitang distrito ng Tondo, nagmula sa mababang pangkat ng mga tao sa lipunan na tuwirang nakadarama ng diin ng pang-aapi, inhustisya, at pagsasamantala. Agad na inulila ng mga magulang at maagang naatangan ng pananagutan na mag-aruga at gumabay sa kaniyang mga nakakabatang kapatid sa pagtahak sa maunos na landas ng buhay.




Kapwa makabuluhan ang kanilang mga nagawa at kaisipan na naiambag sa ating lipunan at kasaysayan. Sa kabila ng kapwa nilang maikling buhay, muli't muling hinahalungkat ng mga iskolar ang kahalagahan at kabuluhan ng dalawa para sa mga henerasyong dumadaan. Sa kabilang kapwa makabuluhan buhay, ang batis ng pambiograpiya ay pinagwangki naman sila. Ang buhay ni Rizal ay halos detalyado sa lahat ng aspekto na ipinapakita ng kaniyang daan-daang dokumento at sangkaterbang litrato na ngayon ay nakasinop sa mga aklatan at arkibo. Ang pagbabatayan sa buhay ni Bonifacio ay ang ilang pira-pirasong dokumento na nagsasaad ng kaniyang mga huling taon, mga tagpi-tagping kuwento ng kaniyang mga naging kasamahan at nag-iisang larawan na tangi lamang kababakasan ng mukha ng taong nanguna sa pinakamapangahas at pinakamapagpasiyang pagkilos ng sambayan sa ating kasaysayan.



Kapwa sila uhaw sa karunungan at palaaral sa kalagayan ng lipunan. May mga pagkakataon na nagkatulad pa sila ng mga aklat na binasa at nakapukaw ng kanilang kamalayang panlipunan. Ang magkatulad na pagkauhaw sa kaalaman ay hindi naman pinapagparayaan ng magkatulad na kapalaran, labis silang pinag-agwat sa hagdanan ng pormal na kaalaman. Si Rizal ay nagtapos ng lisensiyado sa dalwang kurso: Una ay sa Medisina; at pangalawa sa Piliospiya at Letra sa isang unibersidad ng Espanya. Si Bonifacio sa kabilang dako ay bahagyang natapos ang primarya at ang karagdagang kaalaman ay natamo niya sa dalawang larangan: Una ay sa kalsadang kaniyang ginagalawan; at ang ikalawa sa trabahong kaniyang pinasukan. Sa kabila ng magkaibayong antas ng edukasyon ng dalawa, sa panahong ang bayan ay naghanap ng magiging karibal ni Rizal sa luklukan ng pambansang kabayanihan hindi ang kaniyang mga kapantay sa kaalamang pormal ang itinapat sa kaniya kundi si Bonifacio na ang pormal na edukasyon ay halos nakasubsob sa ilalim ng pormal na paaralan.



Kapwa sila naging aktibong alagad ng Kilusang Propaganda sa panahon na malayo pa sa hinagap ang posibilidad ng isang himagsikan. Sa iisang kilusan na kinasasapian ngunit magka-agwat sila sa aspekto ng kalikasan ng pagkilos at heograpiya ng ginagalawan. Aktibo at nasa rurok ng kasikatan si Rizal sa Kilusang Propaganda sa pamamagitan ng kaniyang pagsulat ng dalawang nobelang panlipunan at mga artikulo sa La Solidaridad na noon ay nakabase sa Europa. Ang partisipasyon ni Bonifacio sa propaganda ay tahimik, hindi pansin, at nakapaloob lamang sa Maynila at limitado lamang sa pamumudmod ng mga babasahin ng propaganda sa kaniyang mga kakilala at ilang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas.



Kapwa sila alagad ng literaturang nagbabandila ng protesta, naghahasik ng pagkamuhi sa kalagayang pinananatili ng kolonyal na sistema at nananawagan sa isang pagbabagong panlipunan. Sa kabila nito ay makikita paglalaot ng kanilang mga paraan, lawak, istilo, wika, at layunin. Si Rizal sa malaking bahagi ng kaniyang panulat ay nasa anyo ng nobela at mga artikulong may maka-iskolar na pagtrato, ginamit ang wikang Espanyol, at makikitahan ng kapinuhang panliteratura. Hinikayat ni Rizal ang kaniyang mga mambabasa na itaboy ang dilim ng panatismo at pamahiin sa pamamagitan ng liwanag ng karunungan at abutin ang kapantayang kultural at intelekwal sa ating mga mananakop upang maging isang mabisang sandata sa isang ebolusyong panlipunan. Sentro ng pagbatikos ni Rizal ang frailocracia na noon ay nagsisilbing moog ng pyudal na kaisipan at humahadlang sa pagdaloy ng liberalismo at reporma sa kolonyal na gobyerno. Si Rizal bilang isang repormista ay nakikita pa ang posibilidad na masulsihan pa ang ang naagans na retaso ng kolonyalismo. Ganap ang kataliwasan ni Bonifacio, ginamit niya ang wikang tagalog sa kaniyang maiikling artikulo na sinasabi ng ilan na "magaspang" at "hubad sa bulaklak ng retorika." Sa kabila ng "kababawan" at "hindi repinado" ng kaniyang sulatin ay tuwiran niyang hinikayat ang sambayanang Pilipino sa pag-aaring ganap ng isang higit na agresibong aksiyon upang patirin ang kadena ng kolonyalismo na mariing sumasakal sa buhay at kaisipan ng kaniyang mga kababayan. Kay Bonifacio ay walang pagkakaiba ang frailocracia at ang kolonyal na burukrasya, hindi ang pagsusulsi ng agnas na retaso ng kolonyalismo ang dapat na maging katugunan kung hindi ang paghahangad ng bagong retasong panlipunan na hahabiin ng mga kamay ng mga taong lalahok sa himagsikan.



Kapwa laman ng isipan ng dalawa ang armadong opsiyon sa pagbabagong mukha ng lipunan at pinaglaro nila ito sa kanilang mga kaisipan. Ang magkaparehong pagmumuni ng armadong pakikibaka sa isipan ay inilapat nila sa magkaibang kinalalagyan. Ang armadong opsiyon ni Rizal ay makikitang dinala ng kaniyang mga tauhang sina Elias at Simoun, pinaglaruan niya ang katumpakan at kahinaan ng armas bilang kasangkapan sa pagbabagong anyo ng lipunan, ngunit natakot si Rizal na ang himagsikan sa kaniyang isipan ay malipat at maganap sa mismong lipunan, kaya ito ay kaniyang kinulong at kinitil pa sa pahina ng panitikan. Para kay Bonifacio, bigo ang ebolusyonaryong bisyon na ibinabandila ng mga repormista at ang pagsasakatotohanan sa lipunan ng isang rebolusyon ang tanging landas na tatahakin ng sambayan sa pagtatamo ng kanilang inaadhiang kasarinlan.



Kapwa naimpluwensiyahan sila ng martiyo ng GOMBURZA noong 1872 at kinikilala nila ang binhi ng tatlong paring martir sa pagsibol ng kolektibong nasyonalismo ng sambayang Pilipino, ngunit ang paraan ng paghanga ay isinagawa sa magkaibang paraan. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang pang-inbestiga kung papaanong ang repormista ay isinangkot sa krimen na ang mga prayle ang tunay na nasa likuran. Dinakila ni Rizal ang GOMBURZA sa paghahandog nito ng kaniyang El Filibusterismo. Nag-inbestiga rin si Bonifacio sa tunay na pangyayari sa kaso ng GOMBURZA noong kaniyang direktang litisin at ipabitay ang mga nabihag na prayle sa Cavite. Dinakila rin ni Bonifacio ang GOMBURZA sa pamamagitan ng paggamit na nasabing panitik bilang senyales ng isa sa mga pangkat ng Katipunan.



Kapwa sila pulitiko na humarap sa magkahiwalay na halalan na isinagawa ng kanilang mga kababayan na nagbunga ng kanilang paghiwalay sa mga dating kasamahan. Si Rizal ay natalo sa hinihinging mayorya sa halalang ginanap ng mga repormistang paisano sa pagpili ng kanilang magiging pinuno sa Madrid, ito ang simula ng alitang Rizal at Marcelo del Pilar. Si Bonifacio ay natalo sa ginanap na unang halalang pampangaluhun na ginanap sa Tejeros na nagbunga ng kaniyang paghiwalay kay Emilio Aguinaldo at sa huli ay ang pagpaslang sa kaniya ng mga dating kasamahan.



Kapwa mahalaga sa dalawa ang unang linggo ng Hulyo 1892. Noong Hulyo 3, 1892 (Linggo) nagtagpo sa una at huling pagkakataon sina Rizal at Bonifacio ng itatag ng huli ang La Liga Filipina. Simbolikal ang pagtatagpo na ito nagsilbing parang isang transisyon ng ng dalawang historikal na nilalang sa sentro ng politikang kontra kolonyal. Ang pagtatag ni Rizal ng La Liga Filipina ay sinundan ng pagpapatapon sa kaniya sa Dapitan at panimula ng kaniyang pagkakahimbing pulitikal. Noong Hulyo 7, 1892, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan na hudyat ng kaniyang pangingibabaw sa larangan ng kontra kolonyal na pakikibaka.



Kapwa sila pinuno ng Kilusang Katipunan, pamumuno na may magkaibang katayuan at kalikasan. Si Bonifacio, ang supremo ang aktibong nagpakilos, nagpalaganap, nagpalakas, at naghanda ng kilusan para sa ilulunsad na himagsikan. Samanatalang si Rizal na noon ay walang kamalay-malay sa mga kaganapan sa Kamaynilaan, ang inilagay na pangulong pandangal ng samahan.



Kapwa sila biktima ng puwersang panlipunan na kanilang pinasimulan sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang mga buhay. Ang repormistang si Rizal na ang mapanuring oanulat ay nakagising sa kaniyang mga kababayan sa pangangailangan ng pagbabago sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan ay pinaratangan na nasa likod ng himagsikan. Si Bonifacio naman na nagsindi ng mitsa ng himagsikan ay pinagbintangan ng kaniyang mga kasamahan ng "pagtataksil" laban sa rebolusyon na kaniyang pinamunuan at pinasimulan.



Kapwa sila mga biktima ng mga hukumang hubad sa kredibilidad. Ngunit ang pinakamalaking kablintunaan ay si Rizal na nanalig hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay sa posibilidad ng reporma mula sa mga dayuhang kapangayrihan ay nilitis ng bengatibong korte militar ng Espanya. Samantalang si Bonifacio na naglagak ng pagtitiwala sa kakakayahan ng mga kaniyang mga kababayan sa pagpapalaya ng bayan ay nilitis ng makiling na korte militar ng gobyernong rebolusyonaryo ng mga Pilipino.



Kapwa sila nagsala sa iisang tulang pahimakas. Isinulat ni ni Rizal sa Kuta ng Santiago ang kaniyang Mi Ultimo Adios sa bisperas ng bitayan. Pagkatapos ng martiryo ni Rizal, ang kaniyanga asawa na si Josephine ay nagtungo sa Cavite, dito ay hiniram ni Bonifacio ang orihinal na tula ni Rizal at isinalin ito sa wikang Tagalog. Kung mayroon mang maangkin si Bonifacio na kaganapan para sa kaniya sa nasabing tula ay ang hanay na nagpapahiwatig ng ganito. Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at walang krus at batong mabakas bayaang linangin ng taong masipag lupa'y asarolin at ikalat



Kapwa sila biktima ng malagim na bitayan sa huling hati ng dekada 90 ng nakalipas na daantaon. Magkatulad na kamatayan sa magkabalintunang lugar na kinaganapan. Si Rizal na isinilang sa lalawigan ay hayagang binitay sa pampublikong lugar sa kalunsuran. Si Bonifacio na isinilang sa kalunsuran ay palihim na binitay sa paanan ng bundok sa lalawigan.



Kapwa sila biktima ng inhustisya sa panahon ng kanilang buhay at sa kasalukuyan, ang kanilang kamatayan ay ibinabalot pa rin sa misteryo ng kasaysayan. Magkaibang salarin na hindi matatawaran ang impluwensiya hanggang sa kasalukuayan. Ang salarin ni Rizal ay pinagtatakpan ng simbahan at ang salarin ni Bonifacio ay pinagtatakpan ng mga inapong maimpluwensiya pa rin sa pamahalaan.



Kapwa ginugunita ng bayan ang kanilang ala-ala sa pamamagitan ng pambansang tanging araw na magkaiba ang pinag-uukulan. Si Rizal sa araw ng kaniyang kamatayan, samanalang si Bonifacio sa araw naman ng kaniyang kamatayan. Mapansin din sana ang insidente ng pagkakataon, ang buwan ng Nobyembre (30) na kapanganakan ni Bonifacio ay sinusundan ng Disyembre (30) na buwan ng kamatayan ni Rizal. Ang buwan ng Mayo (10) na buwan ng kamatayan ni Bonifacio ay sinusundan ng buwan ng Hunyo (19) na kapanganakan ni Rizal.

Saturday, September 13, 2008

Isang larawan sa rebolusyon

Ang rebolusyon ay ang paghihimagsik upang magkaroon ng pagbabago sa kapangyarihan o ang kayarian ng organisasyon namumuno sa isang lugar. Maraming mga rebolusyon ang naganap sa kasaysayan ng tao na may iba’t ibang paraan at paninindigan. Ang rebolusyon sa Pilipinas ay isang halimbawa ng rebolusyon na hangad na magkaroon ng kalayaan at pagbabago sa lipunan laban sa mga banyagang mananakop gaya ng mga Kastila, Amerikano at Hapones.

Kung ako ay maging isang grupo ng mga rebolusyonaryo, ang aking itataguyod na pagbabago sa ating lipunan ay ang pagbabago sa sistema ng ating gobyerno o lipunan at ang pagbabago ng ating mga kaisipan o pananaw upang tayo ay magkaroon ng pagkakaisa. Ang ating pagkakaisa ang magiging daan upang magkaroon ng pagbabago at magtaguyod ng kaunlaran sa ating bansa. Gaya sa mga pangyayari ng ating kasaysayan, ang ating sariling gobyerno o ating mga pinuno na dapat namumuno at nagtatanggol sa kapakanan ng bawat tao ang siyang naging isang malaking dahilan sa kahirapan at kaguluhan na nagaganap sa ating lipunan. Ang kanilang kawalan ng solusyon sa iba’t ibang problema na hinaharapan ng ating bansa at ang mga katiwalian na nagaganap sa ating gobyerno ang lalong nagpapabigat sa ating problema. Ang mga naghihirap at nagdudusa sa mga kapabayaan at kabulukan ng ating lipunan na ito ay tayo, ang mga ordinaryong tao, na humahanap ng liwanag sa kadiliman ng ating lipunan.

Kung pag-uusapan ang kasaysayan ng ating pakikipaglaban upang makamit ang ating kalayaan hindi natin maipagkakait ang kahalagahan na ginawa ng ating kapwa tao na itinuturing natin bilang mga bayani. Ang kanilang sakripisyo ang nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga tao at pagmulat sa ating pagkakabansa upang ipagtanggol ang ating kalayaan laban sa mga banyagang mananakop. Marami ang maituturing natin bilang mga bayani gaya nila Andres Bonifacio, Jose Rizal at iba pang taong binuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan at ikabubuti ng bayan. Si Andres Bonifacio ay mayroong malaking naiambag sa pagkakabuo ng isang organisasyon na lumalaban sa pangangapi sa mga tao, ang Katipunan. Sa kanyang pamumuno sa Katipunan ay mayroong mga layunin na gustong makamit ito ang paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya, pagturo ng mabuting kabudhian at pagtulong sa kapwa na inaapi at naghihirap. Ang Katipunan ay itinakda ang sarili upang makamit ang tungkulin sa pagmulat ng nasyonalismo at pagsagip sa mga tao sa pangangapi ng mga banyaga, at bilang pinuno ng Katipunan ginampanan niya ang malaking responsibilidad na ito hanggang sa kanyang kamatayan.

Ngunit karapat-dapat ba ang pagkamatay ni Andres Bonifacio? Kailangan natin malaman na si Andres Bonifacio ay dinakip ng kanyang kapwa Filipino, pinagbintangang isang traydor at pinatay. Ito ay dahil sa nangyaring kombensiyong Tejeros na kung saan ang mga pinuno ng Katipunan sa dalawa nitong grupo, ang Magdalo at Magdiwang, ay nagtipon upang ipalit ang KKK ng bagong pamahalaan. Sinunod ito ng eleksiyon ng mga opisyal na kung saan si Emilio Aguinaldo ang nahalal na pangulo, ngunit wala siya sa kombensiyon, at si Bonifacio bilang kalihim ng interior. Ngunit ito hindi nagsang-ayon ang ibang miyembro ng grupo sa kanyang pagkahalal, kaya ito ay tumulak kay Bonifacio na ipagwalang-bisa ang mga naganap sa kombensiyon. Gumawa si Bonifacio at ng mga kasamahan niya ng sariling pamahalaan hiwalay sa Tejeros kaya siya dinakip at pinatay. Sa pagkamatay ni Bonifacio, si Aguinaldo ang napalagay bilang kaisaisang pinuno ng rebolusyon. Sa pagkaluklok ni Aguinaldo bilang pinuno ay nagkaroon ng pagbabago gaya ng noong sa Kasunduang Biak-na-Bato na kung saan nagkaroon ng kasunduan sa kusang pag-alis palabas ng bansa nina Aguinaldo at kanyang tauhan kapalit malaking halaga ng pera. Ito ay nagdulot ng patuloy na kaguluhan sa bansa ng mga Filipino at Kastila.

Ang isa pang bayani na may malaking kontribusyon sa pagkamulat ng mga tao sa nasyonalismo at pagkakaisa laban sa mga pag-aabuso at pangangapi ng mga banyagang mananakop, si Jose Rizal. Ngunit si Rizal ba ay laban sa o taguyod sa rebolusyon? Hindi tinataguyod ni Rizal ang isang rebolusyon ang tinataguyod niya ay reporma sa mga namamahala dito sa bansa. Ang reporma ay may hangad na maipakita ang kasamaan ng pananakop ng mga Kastila upang malaman ng lupaing prinsipal, ang bansang Espanya, gamit ang propaganda sa pagsiwalat ng mga pag-aabuso na nangyayari sa Pilipinas. Naniniwala ang mga repormista, kabilang na si Rizal, na ang bansa ay mas magiging maunlad kung ang bansa ay maging part eng Espanya bilang probinsya nito. Gusto nila na magkaroon ng assimilisasyon ng bansa sa isang mapayapang paraan. Sa Espanya ay nagbuo ng isang grupo na tinatawag na La Solidaridad at ito ang naging paraan upang lumaganap ang propaganda sa Espanya. Sa Pilipinas ay nagbuo ng isa pang grupo na tinatawag na La Liga Filipina na ang layunin ay ang pagkakaisa ng mga tao sa reporma, dahil dito ay dinakip si Rizal at ipinatapon sa Dapitan. Ngunit hindi naging matagumpay ang reporma dahil ang bansang Espanya ay mas binigyan pansin ang sariling problema kaysa sa sinasabing kaguluhan sa Pilipinas, ang kapangyarihan ng mga pari sa gobyerno, kakulangan ng pondo at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga grupo dahil sa mga pansariling interes. Ang kabiguan naman ng reporma ay nagdulot ng pagkakabuo ng rebolusyonaryong Katipunan kaya hindi masasabing sa kabuuan na ito ay hindi nagtagumpay.

Monday, September 8, 2008

Ang Katipunan

wpe13.jpg (89138 bytes)
Bonifacio Monument by Guillermo Tolentino, 1933
cast in bronze, Kalookan City

Ang Katipunan

Ang Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga anak ng Bayan o Katipunan ay binuo nila Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at marami pang iba noong ika-7 ng Hulyo, 1892. Isinaulo ng mga taong ito ang 'blood compact' at pumirma sa mga papeles gamit ang kanilang sariling dugo. Ang triangle method ang sinunod nilang patakaran sa pagkuha ng mga myembro kung saan ang orihinal na myembro ay magpapapasok ng dalawang bagong myembrong di kilala ang isa't isa. Tanging ang orihinal na myembro lang ang kilala ng dalawang baguhan sa grupo.

Naging mabagal ang pagsunod nila ng triangle method kung kaya't binago ni Andres Bonifacio ang patakaran noong Oktubre 1892. Pinahintulutan niya ang mga myembro na magpapasok ng mga bagong tauhan na walang numerong sinusunod. Dahil sa paraan na ito, umabot ng higit 100 ang mga tauhan ng Katipunan.


Andres Bonifacio

Sunday, August 17, 2008

Manila-Acapulco Galleon Trade



Nasaktan, nabigo, nagdusa.. Ilan lang ito sa mga mapapait na karanasan ng mga sinaunang Pilipino sa kamay ng mga mararahas na mga dayuhan. Naging di makatarungan ang pamumuno ng mga Espanyol at ang "Manila-Acapulco Galleon Trade" ay isa sa mga naging marahas na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.

Ang Acapulco trade o ang Galleon de Manila/nao de China ay isang barkong ginagamit sa pagpapalitan ng produkto sa pagitan ng Manila at Acapulco de Juarez. Naganap ito sa loob ng 2 daang taon at dalawang biyahe lang ang nagaganap bawat taon. Tanging mga Espanyol lamang ang nakikinabang sa kalakal na ito - Spanish governor, Spanish residents ng Manila at ang konseho ng consulado.

Ang mga Pilipino ay napipilitang magtrabaho sa kalakal na ito. Napapabayaan ang agrikultura dahil mas pinili ng mga Espanyol na patrabahuin sila sa pagtatayo ng Galleon. Naos (galleons) ay nagawa sa Naujan habang ang mga Pilipinong karpentero ay gumawa ng mga "wooden planks" sa Calapan . Pinilit din ng mga "alcaldes mayores" ang mga Pilipino na magtanim ng coconut at abaka.